EP004: "THE OTHER ME" - Yukine_Kawaii's Confession (2 Hour Special)

Description

EP004: "THE OTHER ME" - Yukine_Kawaii's Confession (2 Hour Special)

Naranasan mo na bang hindi maintindihan ng karamihan mula pa noong bata ka, nahihirapang magsalita at makipag-communicate habang ang iba ay napakadaling gawin ito? Ginusto mo lang naman magkaroon ng kaibigan, pero bakit pandidiri at kawalan ng interes ang isinukli nila sa'yo?
Kapag ginawa mo na ang lahat para ma-acknowledge ka sa pamamagitan ng iyong mga talento, anong mangyayari sa puso mo kapag puro panghuhusga at kritisismo lang ang natanggap mo sa harap ng maraming tao? Susuko ka na lang ba at pipiliing mag-isa sa isang tahimik na sulok habang nanonood ng anime?
Pero sa kalungkutang iyon, posible nga bang madiskubre mo ang isang ibang bersyon ng iyong sarili na naghihintay makawala sa loob ng online na mundo? Mas matuturing mo ba talagang pamilya ang mga hindi mo kilalang tao mula sa isang laro kaysa sa mga taong nakakasama mo sa personal araw-araw?
Posible bang magkaroon ng perpektong buhay bilang isang sikat na streamer online, habang palihim kang nalulunod sa bigat at pressure ng iyong pag-aaral at totoong buhay? Kapag ang mga trauma ng nakaraan at ang sakit ng pagkabigo ay nagmetra sa'yo sa sukdulan para saktan ang sarili mo, sino ang magmamakaawa sa'yo na tumigil at magpapaalala na kailanman ay hindi ka naging pabigat?
Makakatulong ba ang pagtuklas sa tunay mong boses upang kayanin mo ang lahat ng sakit? At sa huli, ang paghahanap ba sa lugar kung saan ka tunay na nabibilang ay tuturuan kang magpatawad, maghilom, at higit sa lahat, mahalin ang iyong sarili?
Mga ka-lamaw, fellow gamers, ito po ang confession ng isa sa aking kaibigan sa pagsi-stream, na si Yukine_Kawaii_.


Iba't ibang kwento ang inyong matutunghayan. Samahan si LaroTayoGaming na basahin ang inyong liham na pinadala ninyo dito lang 'yan sa Ito ang Confessions. Mga kwento mo, babasahin ko.
Gusto mo bang mag-padala ng inyong confession? Mag-email lang sa confessions@ltg.network o pumunta sa https://ltg.network/confessions para sa buong detalye!
"Ito ang Confessions" is also available as a podcast! https://pod.link/1896095513

Post a Comment

Post a Comment